Simula ngayong taon, hindi na tatanggap ang mga state at local universities and colleges ng mga bagong senior high school students. Ayon sa Commission on Higher Education o CHED, 2021 pa raw dapat ito ginawa pero na-extend lang dahil sa pandemya. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Update sa patay na itinapon sa damuhan sa Binangonan, Rizal, mismong ka-live-in niya ang suspek ngayon sa krimen. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Papayagan na ulit ang mga sibilyan na magmay-ari ng matataas na kalibre ng baril. Pag-alma ng isang grupo baka dumami lang ang insidente ng pamamaril tulad sa ibang bansa. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Ilang araw bago ang semana santa kung kelan maraming bibiyahe, isang jeepney na galing sa outing ang inabot ng trahedya sa Cavite. Kuhang-kuha sa video ang pag-overtake nito sa ilang sasakyan bago umikot, tumaob at sumalpok matapos mawalan umano ng preno. Patay ang tatlong sakay ng mga nasapul na motorsiklo, habang sugatan ang mga sakay ng jeepney. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Pumanaw na sa edad na 75, pero hindi raw nakakuha ng kanyang retirement benefits ang isang SSS member na idinulog sa amin ng kanyang pamilya. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Idineklara na ng pangulo bilang special non-working day sa Maynila ang January 9 para bigyang-daan ang pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno. Limang tulog bago ang inaabangang Traslacion, ipinasilip na ang magiging itsura ng bagong andas na ginawa raw para protektahan ang mahigit 400 taon nang imahen ng poon. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Inakusahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Bongbong Marcos ng pagiging drug addict, sabay giit na nakita niya ang pangalan nito sa drug watchlist ng PDEA. Bwelta naman ng pangulo, posibleng apektado si Duterte ng fentanyl, isang uri ng malakas na painkiller. Bukod sa isyu ng droga, binatikos ni Duterte ang People's Initiative o PI sa isang prayer rally kung saan umulan ng mga mura. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Pareho nang nahaharap ngayon sa kontrobersya ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa. Matapos ang akusasyon kaugnay sa iligal na droga laban kay Pres. Bongbong Marcos si VP Sara Duterte naman, inakusahang nagpasimula ng Oplan Tokhang noong siya'y Mayor pa ng Davao City. Inilahad 'yan ng nagpakilalang dating miyembro ng Davao Death Squad sa pre-trial investigation ng International Criminal Court. Dawit din sa mga alegasyon ang lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy at ilang nakaupong senador! #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Ipinapa-ayos ni Pangulong Bongbong Marcos ang curriculum ng senior high school para sa mas mataas na tsansang makapagtrabaho pagka-graduate. | 24 Oras #BreakingNewsPH
Nauwi sa trahedya ang misa para sa "Ash Wednesday" sa isang parokya sa San Jose Del Monte, Bulacan. Bigla kasing bumagsak ang ikalawang palapag ng simbahan dahilan upang mahulog ang mga nasa taas at madag-anan ang mga nasa ilalim. Nakapila pa naman ang maraming deboto para sa pag-aabo kaya mahigit 50 ang sugatan. Isa sa kanila ang tuluyang binawian ng buhay. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Customs ang bentahan ng mga balikbayan box na wala umanong kumuha. Ikinagagalit ito ng ilang OFW lalo't pinaghirapan nila ang mga padala na bagsak-presyo kung ibenta. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Naging tampulan ng kantyaw ang litrato ng nanalo sa 6/42 Lotto na iginiit ng PCSO na legit kahit inaming edited. Pero hindi na raw 'yan ang isyu ayon sa isang Senador na gusto namang makatiyak na totoong may nanalo sa isa pang draw. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Dalawang Pilipino ang kasama sa 3 patay sa missile attack ng mga rebeldeng Houthi sa mga barkong dumaraan sa Red Sea at Gulf of Aden. Tatlong iba pa nating kababayan ang malubha namang sugatan sa pag-atake. Kabilang sila sa 13 Pilipinong crew ng barkong nasunog sa karahasan. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Halos kalahati ng mga jeepney sa Metro Manila ang hindi na makakabiyahe simula February 1 ayon sa pinal na datos ng LTFRB. Ang tanong, sinong sasalo sa mga commuter na dati nilang suki? #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Kumakagat ngayon ang lamig. naitala nga ngayong araw ang pinakamalamig na temperatura ngayong Amihan season. Cuddle weather para sa ilan, sweater weather naman para sa ibang nais sulitin ang ginaw outdoors. #24Oras
Gustong ipatigil ng isang grupo ang programa ng DepEd na "Catch Up Friday" kasunod ng mga reklamong nire-require umano ang mga estudyante na bumili ng worksheets para rito. May paglilinaw ang DepEd kaugnay niyan. | 24 Oras Weekend #BreakingNewsPH
Alinsunod sa dati nang utos ng DILG, huhulihin na ang mga e-bike, tricycle at pedicab na nasa national road ng isang bayan sa Rizal. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Nasagip naman ang mahigit 800 Pinoy at dayuhan na naging tila preso sa isang POGO hub sa Tarlac. Doon pinipilit umano silang mang-scam at sinasaktan pag 'di naabot ang quota ng mabibiktima. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews
Nakapanlulumong tagpo ang nasaksihan sa NAIA matapos punitin ang passport ng isang OFW ng mismong kanyang mister. Ganun na lang ang pagtangis ng biktima matapos mawala ang pagkakataong kumita sa Qatar ilang oras lang bago ang biyahe Arestado naman ang suspek na aminado ring sinasaktan ang asawa na ayon sa isang Sociologist ay sumasalamin sa karanasan ng maraming OFW. #24Oras #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews