Walkway ➡️ White Island ➡️ Katunggan Park ➡️ Old Church ➡️ Katibawasan Falls ➡️ Nouveau Hotel ➡️ BeeHive ➡️ Tuasan Falls ➡️ Mantigue Island - CAMIGUIN ISLAND #IsleBeThere #IsleLove #CamiguinIsland #DongPat #DongPatAtCamiguin #CapCut
Surreal moment that I’ll never forget 🥀 We would like to thank Mr. Art Boncato, Ms. Candice, and the rest of the Provincial Tourism Team of Camiguin for giving us the best experience here in Camiguin —as Camiguin also being a safe place for everyone 🌈 #IsleBeThere #IsleLove #CamiguinIsland #DongPat #DongPatAtCamiguin
Una at huling araw na kapiling ka mahal ko (HACHI) Salamat sa limang taong pagmamahal, sa mga panahong umiiyak ako nanjan ka sa tabi ko para damayan ako. Kahit na minsan nakakaasar ka kasi ang kulit mo pero nawawala yung asar ko dahil hindi ka sumusukong lambingin ako. Mamimiss kita mahal ko (HACHI) Mamimiss ko yung araw-araw mong pag gising sakin tuwing umaga para pagbuksan ka ng pinto dahil naiihi ka na. Mamimiss ko yung pag bababa ako at uupo sa sofa nandun ka excited tatalon sa tabi ko at magpapalambing. Mamimiss ko yung pag aalis ako nakatingin ka lang sakin na parang gusto mong isama kita. Mamimiss ko yung excited ka lagi pag ilalakad kita. Mamimiss ko yung pag uuwi ako OA yung howl mo na parang laging matagal tayong d nagkita. Hindi maitatangging ako nagpalaki sayo dahil OA ka din. Mamimiss ko yung bago ako matulog nasa kainan ako ikaw nasa taas ng hagdan inaabangan akong umakyat dahil gusto mo mauuna ako sayo bago ka pumasok ng kwarto. Mamimiss ko yung lagi mong pangangalabit kahit ang bigat ng kamay mo. Mamimiss ko yung kahit mag babanyo ako babantayan mo pa ko. Mamimiss ko yung minsan pag takot ako sa kwarto ko maramdaman ko lang na nasa ilalim ka ng kama mawawala na takot ko. Mamimiss kita at sana patawarin mo ko kung nagkulang ako sayo. Pero kahit papaano maluwag ang loob ko dahil bago ka nawala ako yung nasa tabi mo at hindi na pinahaba ang paghihirap mo. MAHAL NA MAHAL KITA HACHI KO. HANGGANG SA MULI MAHAL KO. RUN FREE HACHI MAHAL NA MAHAL KITA. 🐺🐾 😢